26/02/2026
Naglagay si Tenant ng:
• Stickers
• Adhesive hooks
• Double-sided tape
• Wall paper
Pag-alis niya… nabakbak ang pintura at nasira ang pader.
⸻
❓ Sino ang may sagot sa pagpapaayos?
👉 Si Tenant ang may sagot, kung ang sira ay dulot ng kanyang personal na modifications.
Bakit?
📍 Ang unit ay ibinigay sa kanya na maayos ang pintura.
📍 Ang paglalagay ng stickers at adhesive ay hindi normal wear and tear.
📍 Ito ay tinatawag na tenant-caused damage.
⸻
⚖️ Ano ang Kaibahan ng “Wear and Tear” vs. “Damage”?
✅ Normal Wear and Tear
– Natural na pag-fade ng pintura
– Minor hairline cracks
– Normal na pagkaluma
❌ Damage (Sagot ni Tenant)
– Bakbak na pintura dahil sa sticker
– Butas sa pader
– Malagkit na residue
– Napunit na wall surface dahil sa wallpaper
⸻
📝 Ano ang Dapat Gawin ng Landlord?
✔️ I-document ang sira (pictures & inspection report)
✔️ I-check ang Move-In Inspection form
✔️ I-charge sa Security Deposit kung ayaw magbayad
✔️ Gumawa ng written computation ng repair cost
💡 Mas maganda kung may clause sa kontrata tulad nito:
“Any damage caused by adhesives, nails, screws, stickers, wall décor, or unauthorized modifications shall be charged to the Tenant.”
⸻
🎯 Tip para sa mga Ka-Landlord:
🔹 Sabihin agad sa orientation: “Bawal magdikit sa pader.”
🔹 I-include sa House Rules (lalo na kung furnished unit).
🔹 Kung papayagan, dapat removable at walang damage.
⸻
🔥 Tandaan:
Ang paupahan ay negosyo, hindi personal na scrapbook wall ng tenant.
Kung siya ang dahilan ng pagkasira, siya rin ang may sagot sa pagpapaayos.
Maging mabait, pero maging malinaw.
Maging professional, hindi emotional.