09/10/2026
https://www.facebook.com/share/p/1DoLqxqjKw/
IWAS-PILA SA PAGBILI NG TICKET! MONTENEGRO SHIPPING, MAY ONLINE BOOKING NA SA MGA BIYAHE SA MINDORO
Maaari nang mag-book at magpareserba ng passenger tickets online ang mga biyahero ng Montenegro Shipping Lines, Inc. (MSLI) sa piling ruta nito, kabilang ang mga biyaheng papunta at palabas ng Mindoro.
Sa pamamagitan ng online booking system, hindi na kailangang personal na pumunta sa ticketing counter para bumili ng tiket bago ang nakatakdang biyahe.
Kabilang sa mga rutang sakop ng online booking ang:
- Batangas City – Calapan City
- Batangas City – Abra de Ilog
- Batangas City – Puerto Galera
- Batangas City – Odiongan, Romblon
Maaaring mag-book at magpareserba ng tiket sa opisyal na website ng Montenegro Shipping Lines:
https://montenegrolines.com.ph/
Gayunman, nilinaw ng kumpanya na para lamang sa mga pasahero ang online booking at hindi ito sakop ang mga sasakyan.
Ang mga sasakyang isasakay sa barko ay mananatiling first come, first served basis, kaya kailangang pumila sa pantalan para sa vehicle boarding.
Mayroon ding cut-off ang online booking na isang araw bago ang nakatakdang biyahe. Ibig sabihin, kailangang makapagpareserba nang hindi bababa sa isang araw bago ang petsa ng paglalakbay.
Pinapayuhan din ang mga pasahero na magdala ng valid government-issued ID para sa ticket validation at dumating sa pantalan nang hindi bababa sa isang oras bago ang nakatakdang pag-alis ng barko sa mga short-distance route.
Patuloy pa ring tatanggap ng walk-in passengers sa mga ticketing counter ng Montenegro Shipping Lines.
Sa bagong serbisyong ito, inaasahang magiging mas maginhawa ang pagpaplano ng biyahe, partikular para sa mga Mindoreñong regular na bumibiyahe sa pagitan ng Mindoro at Batangas.