16/04/2026
๐ ๐๐ฌ ๐๐๐ก๐๐ฃ๐๐ฆ๐ฌ๐ข ๐ฃ๐ ๐ฃ๐๐๐๐ก๐ ๐ ๐๐๐๐ฅ๐๐ก๐ ๐ ๐-๐๐๐๐๐ โ ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ ๐๐๐ช๐๐ก๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐ฅ๐๐ฉ๐๐ง๐ ๐๐ง ๐ฃ๐จ๐๐๐๐ ๐ฆ๐๐๐ง๐ข๐ฅ
๐๐ต๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ช๐ฏ๐ช๐จ๐บ๐ข๐ฏ๐จ-๐ญ๐ช๐ฏ๐ข๐ธ ๐ด๐ข ๐๐๐ ๐๐ฅ๐ท๐ฐ๐ค๐ข๐ค๐บ ๐๐ฆ๐ฎ๐ช๐ฏ๐ข๐ณ ๐ด๐ข ๐๐ฐ๐ฎ๐ฃ๐ญ๐ฐ๐ฏ.
Isinagawa ang Employeesโ Compensation Program (ECP) Advocacy Seminar ngayong Abril 16, 2026 sa Dream Paradise Mountain Resort, sa pangunguna ni IPAD Chief Ma. Cecilia E. Maulion ng Employeesโ Compensation Commission (ECC).
Dumalo bilang kinatawan ni Gov. Trina Firmalo-Fabic si PDAO Head Maโam Rodais Gabute, kung saan nakasama at dumalo ang mga kinatawan mula sa Provincial PESO, Human Resource Officers, ibaโt ibang LGUs, government employees, employers, labor groups, kooperatiba, barangay officials, uniformed personnel, self-employed SSS members at mga ahensya ng pamahalaan, na may layuning palakasin ang kaalaman sa social protection at kabuhayan ng mga manggagawa.
Matatandaang nagsagawa rin ang grupo ng seminar kamakailan nitong Miyerkules Abril 15, sa Odiongan bago ito dinala sa bayan ng Romblon.
Tinalakay sa aktibidad ang kahalagahan ng Employeesโ Compensation Program, kabilang ang saklaw, benepisyo, kontribusyon, at proseso ng pag-file ng claims, pati na rin ang tungkulin ng mga employer at ang State Insurance Fund. Binigyang-linaw rin ang kaibahan ng mga ahensyang nagbibigay ng social protection:
โข SSS para sa pribadong sektor,
โข GSIS para sa mga kawani ng gobyerno,
โข PhilHealth para sa serbisyong medikal, at
โข ECC para sa mga insidenteng may kaugnayan sa trabaho.
Ilan sa mga benepisyong maaaring makuha mula sa ECC ay physical rehabilitation services, prosthesis at assistive devices, at suporta para sa mga PPD at PTD pensioners tulad ng skills training, livelihood training, at starter kits.
Binigyang-diin din ang pangangailangang palawakin ang kaalaman ukol sa ECC, laloโt limitado ang personnel nito sa buong bansa sa kabila ng milyun-milyong manggagawang saklaw ng programa. Ipinaliwanag din na ang mga barangay workers, self-employed individuals, job order at contract of service workers, maging seafarers at uniformed personnel ay saklaw ng ECC, habang ang mga voluntary SSS members ay maaaring mag-update ng kanilang membership upang maging kwalipikado.
Ipinakita rin sa mga kalahok ang global at Philippine Occupational Safety and Health (OSH) data, at tinalakay ang mga programang tulad ng KaGabay Program (Katulong at Gabay sa Manggagawang may Kapansanan).
Sa huli, hinikayat ang patuloy na pagtutulungan ng publiko at pribadong sektor upang matiyak na ang mga benepisyong ito ay naipararating at napapakinabangan ng bawat manggagawa.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.ecc.gov.ph.