15/05/2026
FYI to our Valued Guests
UPDATE: Maaaring hindi na matuloy ang MLD na ito kapag patuloy na bumaba ang demand. Hanggang sa tanggalin ang Red at Yellow Alert.
๐ ๐๐ก๐จ๐๐ ๐๐ข๐๐ ๐๐ฅ๐ข๐ฃ๐ฃ๐๐ก๐ ๐๐๐ฉ๐๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฌ
(๐ฅ๐ผ๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐๐ฟ๐ผ๐๐ป๐ผ๐๐)
Maaaring magsagawa ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng Manual Load Dropping (MLD) o "rotational brownout" sa mga sumusunod na lugar ngayong araw, Mayo 15, 2026 (Biyernes) ano mang oras mula ngayon na tatagal ng higit-kumulang tatlong oras (any moment from now for a time duration of 3 hours more or less), upang mapanatili ang katatagan ng sistema ng kuryente:
Bayan ng Cabangan;
Bayan ng San Felipe;
Bayan ng San Narciso (maliban sa Namatacan, Dalipawen at bahagi ng Simminublan); at mga
Bahagi ng Bayan ng San Antonio (San Gregorio, West Dirita, Antipolo, East Dirita at Bahagi ng Luna)
_________
Ang Manual Load Dropping (MLD) ay isang emergency na hakbang na isinasagawa ng System Operator na National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) kapag kulang ang supply ng kuryente at nanganganib ang katatagan ng buong power grid.
Sa prosesong ito, sadyang pinapatay o binabawasan ang suplay ng kuryente sa ilang lugar ng mga electric distribution utility sa loob ng takdang oras (rotating brownout) upang maipamahagi nang maayos ang limitadong kuryente. Hindi ito basta pagkawala ng kuryente, kundi isang kontroladong pag-manage ng load para maiwasan ang mas malawakang blackout o tuluyang pag-collapse ng sistema.
Ginagawa ito kapag may Red Alert at hindi na kayang tugunan ng supply ang demand .
________
Kasalukuyang nakataas ang Red Alert sa Luzon at Visayas Grid mula 2PM hanggang 11PM ngayong araw, May 15, 2026.
Maaari itong makansela o mapaaga ang pagbalik kung bumuti ang suplay ng kuryente o kapag bumaba ang demand.
Hinihikayat ang publiko na magbawas ng konsumo sa mga oras na nabanggit upang bumaba ang demand ng kuryente.
Infomaterials
NGCP Advisory
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1375564421259746&id=100064186045325&mibextid=ZbWKwL