09/03/2026
⚠️ PUBLIC AWARENESS / MODUS ALERT ⚠️
Mag-ingat po sa lalakeng ito na lulan ng Brown Hilux (with camper shell/takip sa likod). Noong March 8, 2026, bandang 12:12 PM, tinangay po niya ang Mirror (Salamin) sa loob ng CR ng aming unit (D2).
Modus:
Nagpanggap na mag-eextend at nag-abot pa ng 1k "advance" para makuha ang tiwala.
Sinabi ring bibili lang ng pagkain sa labas at iniwan daw ang cellphone na "naka-charge" sa loob ng naka-lock na kwarto para hindi na inspeksyunin ang room bago siya lumabas.
Pag-check po namin, wala na ang salamin at wala rin ang sinasabing cellphone.
Naka-blur po ang plaka sa post na ito, pero ang kopya ng CCTV at plate number ay ititurn-over na namin sa mga awtoridad para sa kaukulang aksyon.
Magsilbi po sanang babala sa ibang business owners na laging i-double check ang rooms bago paalisin ang guest, gaano man sila "ka-disente" tignan o magsalita.