03/06/2026
HAPPY PRIDE MONTH! 🏳️🌈
From Vegetable Seller to Front Desk Officer 💪
Ito si Portia.
Nakilala namin siya nang minsang pumasok siya sa Paraiso para magtinda ng gulay. Lumapit siya sa amin at nagtanong kung may bakanteng posisyon bilang host. Sa pagkakataong iyon, wala pa kaming kailangan na host, pero sinabi namin na naghahanap kami ng Front Desk Staff.
Tinanggap niya ang hamon.
Fast forward to today, isa na siya sa mga unang bumabati at sumasalubong sa ating mga bisita bilang Front Desk Officer. At tuwing UMPUKAN naman, siya rin ang nagbibigay saya at enerhiya bilang host sa ating mga guests.
Ang video na ito ay kuha noong unang araw pa lamang niya sa trabaho. Nakakabilib dahil sa ikalawang araw pa lang, kaya na niyang humarap sa mga bisita nang may kumpiyansa at natural na galing.
Isa si Portia sa mga dahilan kung bakit mahalaga sa amin ang ginagawa namin sa Paraiso. Hindi lang ito tungkol sa pagpapatakbo ng isang resort. Ito ay tungkol din sa pagbibigay ng pagkakataon, pagtitiwala, at pagbubukas ng mga pinto para sa mga taong handang magsikap at mangarap.
Mula sa Barangay Villa Reyes, heto siya ngayon—patuloy na lumalago, natututo, at pinapatunayan na ang kakayahan ay hindi nasusukat sa kung saan ka nagsimula, kundi sa tapang mong subukan ang mga oportunidad na dumarating.
Portia, proud na proud kami sa’yo. Salamat sa iyong sipag, dedikasyon, at pagiging inspirasyon sa marami. Patuloy kang mangarap, magningning, at maging ikaw.
Happy Pride Month! 🏳️🌈❤️