05/08/2026
PABATID | 𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐋𝐄𝐆𝐀𝐋 𝐀𝐈𝐃 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐏𝐔𝐄𝐑𝐓𝐎 𝐏𝐑𝐈𝐍𝐂𝐄𝐒𝐀𝐍!
May katanungan ka ba tungkol sa batas? Kailangan mo ba ng legal na payo o pagpapanotaryo ng simpleng affidavit at iba pang non-commercial documents?
Inaanyayahan ang lahat ng mamamayan at mga residente ng Puerto Princesa na samantalahin ang “Pagpaquiman Cay Atorni (Itanong mo kay Atorni)”, isang Libreng Legal Aid Program ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) – Palawan Chapter, katuwang ang City Government of Puerto Princesa.
🗓 𝐓𝐮𝐰𝐢𝐧𝐠 𝐇𝐮𝐰𝐞𝐛𝐞𝐬 𝐧𝐠 𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨
📍 𝐀𝐭𝐫𝐢𝐮𝐦, 𝐍𝐞𝐰 𝐆𝐫𝐞𝐞𝐧 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐇𝐚𝐥𝐥, 𝐏𝐮𝐞𝐫𝐭𝐨 𝐏𝐫𝐢𝐧𝐜𝐞𝐬𝐚 𝐂𝐢𝐭𝐲
🕘 𝟗:𝟎𝟎 𝐀𝐌–𝟏𝟐:𝟎𝟎 𝐍𝐍 𝐚𝐭 𝟏:𝟎𝟎 𝐏𝐌–𝟒:𝟎𝟎 𝐏𝐌
Mga Serbisyo:
✔️ 𝐋𝐢𝐛𝐫𝐞𝐧𝐠 𝐥𝐞𝐠𝐚𝐥 𝐜𝐨𝐧𝐬𝐮𝐥𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧
✔️ 𝐋𝐢𝐛𝐫𝐞𝐧𝐠 𝐧𝐨𝐭𝐚𝐫𝐢𝐳𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐬𝐢𝐦𝐩𝐥𝐞𝐧𝐠 𝐚𝐟𝐟𝐢𝐝𝐚𝐯𝐢𝐭𝐬 𝐚𝐭 𝐧𝐨𝐧-𝐜𝐨𝐦𝐦𝐞𝐫𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐝𝐨𝐜𝐮𝐦𝐞𝐧𝐭𝐬
Huwag palampasin ang pagkakataong makakuha ng maaasahang legal na gabay at serbisyo. Inaanyayahan ang lahat na makiisa at samantalahin ang programang ito para sa kapakanan ng ating komunidad.