05/03/2024
Inaanyayahan po ang lahat ng Santakruzin na makiisa sa gagawing pagbubukas ng mga Information Boards na hinanda ng Municipal Tourism Office Santa Cruz, Marinduque bilang paghahanda ng ating mga sarili sa paparating na mga aktibidad ng lokal na pamahalaan para sa mga Mahal na Araw.
Mula ala-una hanggang alas-singko po ng hapon gagawin ang tradisyunal na pag-INCIPIT sa Lobby ng Old Municipal Building.
Susundan naman ito ng pagbubukas ng mga Information Boards at ng maikling mini-konsyerto ng mga awiting panalangin sa pagtatakipsilim ng 5:00 ng hapon.