24/04/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐! ๐โจ
Kahit may kaunting pagbabago sa ating House Decoration Competition, hindi magbabago ang diwa ng ating pasasalamat at pagkakaisa.
Tara na at makiisa sa pagdidispley ng ating mga bagakay at simpleng dekorasyon!
Looking for the perfect home base para sa inyong festival experience? ๐ก
Experience the Agawan spirit and retreat to the comfort of Cabins by the Generals. Our A-frame staycation cabins are ready to be your "home away from home" habang ipinagdiriwang natin ang masaganang ani at tradisyon ng Sariaya.
๐ Book your stay now!
PABATID
Ipinapaalam po ng Sariaya Tourism, Culture, and the Arts Office sa ating mga kababayan na ang House Decoration Competition ay hindi muna matutuloy sa taong ito.
Gayunpaman, tuloy na tuloy po ang selebrasyon ng Agawan Festival 2026!
Inaanyayahan pa rin ang lahat ng Sariayahin na makiisa sa diwa ng pagdiriwang sa pamamagitan ng paglalagay ng bagakay at simpleng dekorasyon sa ating mga tahanan at paligid na siyang sumisimbolo ng ating pasasalamat sa masaganang ani, matibay na pananampalataya at pagkakaisa bilang isang bayan.
Sa kabila ng pagbabago, patuloy nating ipakita ang ating pagmamahal sa tradisyon at kultura ng Sariaya.
Tara na! Agawan Festival na! Payak na Selebrasyon, Masaganang Tradisyon.