02/05/2016
Napanguso ako nang makita ang tambak na trabahong naiwan ko sa Guest House.Halos isang linggo rin kaming nawala sa SRC dahil sa naganap na survival. And, were back to reality. Agad na akong naupo sa aking swivel chair.
Me: Sana makaabot ako sa laro ni Kester. Baka magtampo na naman ‘yon. *sighs*
Habang nagbabasa ako ay tinawag ako ng isa sa mga staff dahil mayroon daw kaunting problema sa bookings. Agad naman akong lumabas para tingnan ang nangyayari.
Me: Ano’ng nangyayari?
Guest: We already booked for accomodations last week through a phone call. But, one of your staff told us that we didn’t booked. *she said raging*
Me: Ma’am, may I know if what is the name of that staff you’re referring?
Guest: Maricon. I guess.
Me: Okay, Ma’am. Let me first talked to my staff to settle this things up.
Guest: Sure. But, can you please make it fast? Baka nagsisimula na ang tournament. I need to cheer for my stallion boy.
Kusang umangat ang kilay ko sa sinabi nito. Her stallion boy? Ang pagkakaalam ko ay puro na may asawa ang stallion boy na sasali sa tournament. Feelingera ‘tong babaeng ‘to. Agad kong pinuntahan si Maricon.
Me: Maricon?
Maricon: Bakit po, Ma’am Yoanna?
Me: Mayroon kasing nagrereklamong guest sa ibaba. Ang sabi niya nagpa-booked daw siya ng accomodation dito sa guest house pero pagdating niya ay ‘di naman daw siya nakalista. What happened?
Maricon: Ay yung feelingerang babae? *napasimangot ito*
Me: Ano bang nangyari?
Maricon: Napaka-walang modo kasi, Ma’am. Kung ano-ano ang itinatawag sa akin habang kausap ko sa telepono. Kesyo, ‘di ko daw siya maintindihan at ang bobo bobo ko daw po.
Me: Sinabi niya ‘yon?
Maricon: Opo. Kaya sa sobrang inis ko, Ma’am. ‘Di ko inilista ang accomodation niya.
Me: *napailing na lang* Naiintindihan kita. Pero, sabi nga. Customer is always right. *sighs* Ako na ang bahala sa guest na ‘yon. Kapag naulit pa ito. Tell me. Okay?
Maricon: Opo, Ma’am. Sorry po.
Me: It’s okay. Huwag na lang sanang mauulit.
Maricon: Opo.
Agad na akong bumaba at kinausap ang guests. Tama nga si Maricon. Medyo feelingera ‘tong guest na ‘to. Napaka-demanding.
Me: Sorry,Ma’am. Nakalimutan po kasi ng staff ko na isulat ang pangalan niyo.
Guest: What? So stupid of her.
Me: Excuse me, hindi naman po sa nangingialam ako pero medyo magaspang po ang ugali niyo.
Guest: What!
Me: Kung maayos lang po sana ang turing niyo sa staff dito eh ‘di sana po maganda ang pagtanggap sa inyo rito.
Guest: Ang talim ng tabas ng dila mo ah! ‘Di mo ba ako kilala?
Me: I don’t need to know you Ma’am. Mukhang hindi po ina-allow ng club ang ganyang ugali. I need the approval of Reid Alleje para ma-accomodate kayo.
Guest: You can’t do that! Guest ako! Manager ka lang.
Ada: Ano’ng manager lang. Siya kaya ang asawa ng napakagaling na doctor na si Kester Mondragon. *singit nito*
Guest: Ahh!! Bwisit. *walks out*
Ada: Tindi non ah.
Me: *bumuntong hininga* Nawala poise ko ‘don ah.
Ada: Napaka-walang modo eh.
Me: *sighs* Sana lang tama ang ginawa ko.
Ada: Tama lang ‘yon. Siyangapala, tumawag si Doc. Asan ka na daw?
Lagot! Agad kong hinagilap ang bag ko at lumabas ng guest house.
Me: Babalik ako after ng tournament.
© 2011 Valiant Role Player