Tagaytay Staycation - Wind Residences

Tagaytay Staycation - Wind Residences Your best source of units for Tagaytay Staycation.

Para sa mga insensitive at tanong ng tanong kung pwede na magstay...
10/07/2020

Para sa mga insensitive at tanong ng tanong kung pwede na magstay...

Stay at home!
09/07/2020

Stay at home!

Stay at HOME!!!
03/07/2020

Stay at HOME!!!

Kahapon, ika -2 ng Hulyo, 2020, nakipag ugnayan ang Pasig Health Office gawa ng isang Confirmed COVID-19 case na kasalukuyang nasa Lumgsod ng Tagaytay. Siya ay residente ng Pasig at nagtratrabaho sa isang Ospital sa Valenzuela City ngunit simula ng GCQ, June 2, 2020 ay tumuloy na sa kanilang resthouse ng kanilang ina sa South Ridge Estate kasama ang kanyang pamilya. Siya ay malimit na nagbyabiyahe mula sa Tagaytay Patungong NCR at karatig probinsya ng Cavite. Base sa agarang imbestigasyon ng City Health Office, napag alaman na simula noong lumabas ang positive result ng naturang pasyente, sumailalim din ang kanyang pamilya sa swab test at kalauna’y napag alaman na dalawa pa sa kanyang pamilya ay positibo rin sa COVID-19. Agad na inabisuhan ng lokal na pamahalaan ang administration ng South Ridge Estate noon ding araw na iyon na isasailalim ang naturang subdivision sa lockdown base sa IATF protocols.

Dahil sa asymptomatic at mild ang mga sintomas ng mga naturang pasyente, base sa rekomendasyon ng DOH, maaari itong sumailalim sa home quarantine. Sila ay mahigpit na susubaybayan ng Barangay Health Emergency Response Team.

Noon pa man mula sa panahon ng ECQ hanggang GCQ, mahigpit ng pinapatupad ng Pamahalaang Lokal ng Tagaytay ang pagpasok ng mga hindi lehitimong residente ng Lungsod. Ang mga locally stranded individuals at maging mga OFW bagaman at tinatanggap sa lungsod ay dumadaan parin sa strict protocol na inilatag ng Local COVID-Taskforce alinsunod sa guidelines ng Inter Agency Task Force upang mapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng mamamayan ng Tagaytay. Nagpadala rin ng City Memorandum noong nakaraang Mayo at sinundan pa nitong Hunyo ng memorandum sa mga subdivisions at condominiums ng lungsod na nag papaalala na pansamantalang hindi pinahihintulutan ang pagpasok ng mga hindi residente ng lungsod ganun din sa mga may ari ng vacation houses lalo na kung sila ay manggagaling sa mga lugar na may high risk of transmission ng COVID-19.

Hindi ito nasunod sa sitwasyon ngayon sa South Ridge Estate. Bagama’t pinaalalahanan na ng City COVID Task Force, may mga nakapasok parin ng walang pahintulot ang Barangay.

Bilang mitigation response ng lokal na pamahalaan ng Tagaytay, minabuti nitong isailalim ang South Ridge Estate sa lockdown hanggang masiguradong walang local transmission sa loob ng subdivision. Base sa pag uusap ng City Health Office, Barangay ng Sungay West at representative ng Home Owner’s Association, napagkasunduan na ang pangangailangang esensyal katulad ng pagbili ng mga pagkain at gamot ay tutugunan ng Pamahalaang Barangay ng Sungay West at ang food deliveries hanggang sa me entrada / gate ng southridge at pipick upin nalamang ng umorder habang ito ay nasa lockdown period. Pinapayagan parin ang mga magtratrabaho sa mga permitted establishment ng IATF ngunit nasa mahigpit ng health monitoring ng barangay. Ang mga transakyon sa bangko o remittance center ay kailangang sumangguni sa barangay para sa assistance. Ang mga health emergency cases ay pinahihintulutan sa ano mang oras.

Patuloy na dumarami ang kaso ng COVID-19 hindi lamang sa ating Lungsod. Kaya ang pamahalaang lokal ay nakikiusap sa kooperasyon ng lahat para sa kaligtasan ng pamayanan ng Tagaytay. Ang pagtutulungan ng bawat isa ay ang susi sa tagumpay ng ating laban sa pandemyang ito. Gabayan tayo ng Panginoon.

Stay safe.
02/07/2020

Stay safe.

Naitala ngayong araw ang ika apat na COVID-19 case sa lungsod ng Tagaytay. Si patient no. 4 ay isang 36 yrs old na seaman mula sa brgy Asisan.

Bilang isa sa requirements sa pagbabalik trabaho sa barko, sumailalim si patient no. 4 sa swab test at pagka dalawang araw ay napag alamang positibo sa COVID-19. Base sa history taking ng City Health Office, siya ay nagpunta sa isang grocery store at palengke ng ating lungsod. Dagdag pa rito ang kanyang travel history mula sa karatig bayan ng Tagaytay at sa Maynila.

Sa kasalukuyan siya ay asymptomatic at nasa pangangalaga ng kanyang agency sa Maynila. Nakapagsagawa na rin ng contact tracing ang City Health Office at natukoy na ang mga close contacts nito. Sila ay kasalukuyang naka home quarantine at minomonitor ng Barangay Health Emergency Response Team.

Habang umiiral ang community quarantine sa ating lungsod, kami ay nananawagan na sundin ang MINIMUM PUBLIC HEALTH STANDARD katulad ng palagiang pag susuot ng Face mask tuwing lalabas, tama at wastong paghuhugas ng kamay at physical distancing. Pagbilinan natin at iwasan palabasin ang mga kabataan edad 20 pababa. Para sa mga senior citizens, buntis at may mga mahihina ang resistensya, lumabas lamang kung talagang kinakailangan. Ipinagbabawal parin ang mga non-essential travels sa labas at loob ng ating lungsod.

Tandaan, sa inyong mga desisyon at aksyon nakasalalay ang kaligtasan ng inyong pamilya. Pagplanuhang mabuti kung kinakailangang lumabas ng bahay. HUWAG TAYONG MAGING SANHI NG PAGKALAT NG COVID-19 SA ATING BAYAN. Pagpalain tayong lahat ng ating DIYOS na Maykapal.

Pumirmi kasi kayo. Di kami magdadalawang isip na magreport ng mga magaattempt mag check in.
16/04/2020

Pumirmi kasi kayo. Di kami magdadalawang isip na magreport ng mga magaattempt mag check in.

BREAKING: Tagaytay City, mayroon ng kauna-unahang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) ayon sa official page ng lungsod.

"Para sa kaalaman ng Lahat:

Malungkot po nating ipinababatid sa mga mamamayan ng Tagaytay na mayroon na po tayong isang POSITIVE na kaso ng COVID-19 sa ating lungsod. Ang lahat po ay pinapayuhang manatili sa loob ng mga tahanan at sumunod sa tagubilin ng mga kinauukulan. Gingawa po ng ating pamahalaang lungsod ang lahat ng hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng COVID sa ating pamayanan.

Mag-antabay po tayo sa mga susunod pang paunawa at anunsyo kaugnay ng kaganapang ito."


Doubleng ingat staycationers.
07/03/2020

Doubleng ingat staycationers.

BREAKING: During a press conference on Saturday, the Department of Health confirmed a new case of novel coronavirus disease (COVID-19) in the Philippines. Total number of confirmed cases is six.

The sixth case of COVID-19 is a 59-year-old female who has cough and was brought to the Research Institute of Tropical Medicine on March 5. She has had no recent travel history, based on information from the Bureau of Immigration.

🤗🤗🤗 We’re now open for booking! 🥳🥳🥳
14/02/2020

🤗🤗🤗 We’re now open for booking! 🥳🥳🥳

Stay safe and away muna. 🙏
06/02/2020

Stay safe and away muna. 🙏

The PUI was later found and sent to Research Institute for Tropical Medicine (RITM).


Source: GMA News

Don’t put your lives in danger over a couple of thousands.  Re-schedule, plan better and stay safe.
12/01/2020

Don’t put your lives in danger over a couple of thousands. Re-schedule, plan better and stay safe.

Available for booking.Max 4 pax, with fast wifi and netflix.No cooking and drinking.w/microwave + ref + ac + heater.Refe...
26/12/2019

Available for booking.

Max 4 pax, with fast wifi and netflix.
No cooking and drinking.
w/microwave + ref + ac + heater.

Refer a friend and get a discount! 🥰

26/12/2019

Address

Nasugbu Highway
Tagaytay City
4120

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tagaytay Staycation - Wind Residences posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share