08/08/2026
ABISO PUBLIKO
Alinsunod sa Heavy Rainfall Yellow Warning Level na inilabas ng PAGASA ngayong 5:00 ng umaga, Agosto 7, 2026 (Biyernes) dulot ng Enhanced Southwest Monsoon (Habagat), at batay sa rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC), pansamantalang suspendido ang lahat ng tourism activities sa bayan ng Tanay hanggang sa susunod na abiso.
Kabilang dito ang lahat ng water activities, trekking, hiking, camping, at iba pang tourism-related activities.
Pinapayuhan ang lahat ng residente, turista, tourism establishments, at tour operators na manatiling alerto sa posibilidad ng malalakas na pag-ulan, pagbaha, pagtaas ng tubig sa mga ilog at sapa, at pagguho ng lupa, lalo na sa mga upland barangays. Mahigpit ding ipinapayo na iwasan ang pagpunta sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng mga naturang panganib.
Patuloy pong subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng PAGASA, MDRRMO Tanay, at Tanay Tourism para sa mga susunod na abiso.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at manatiling ligtas.
Tanay Emergency Hotline Numbers:
Tanay Disaster Risk Reduction and Management Office - Tanay MDRRMO
MDRRMO 🚑
0963-473-3333
8655-3119 LOC. 307
BFP R4A Tanay Fire Station
BFP-TANAY FIRE STATION 👨🚒
0976-180-5672
8693-1717
Tanay Municipal Police Station
PNP-TANAY Police Station 👮♂️
0907-827-9401
8654-9347