22/07/2026
Scam Alert! Beware of Atome App, Shopee App and Phone repair stores .
Pls. read and share for awareness na din po.
I just wanna share my experience.
June 03- Dinala ko yung phone ko sa mismong R.O.G store sa loob ng Clark Mall (🔵)mismo for repair (LCD is down pero na cacall ko pa din phone ko.) ,Wala pang 1 year and still under warranty kaya pinasok ko for repairs and then ang sabi ng magrereceive ipapadala daw nila sa head office nila sa Quiapo, Manila
which is pumayag ako kasi wala akong choice doon din naman daw talaga gagawin sa head office nila and hiningi pa nga yung passcode ko which is ayoko sana pero dahil down yung LCD ng phone ko ,need ko daw ibigay passcode ng phone ko para makita yung Serial number ng phone kung match ba daw yung binigay kong S/N para mai pasok nga sa warranty , edi binigay ko kahit ayaw ko.
June 05
Nag Power ON na phone ko with ping location detected via Google find hub.
June 06
At dito na lahat nagumpisa at nagtransact na sila using Shopee SLoan worth 19,400 using my phone which is yung ROG Phone 9 FE na ongoing for repair sa Head office then maya-maya lang sinundan
pa ng purchase via QR PH at Atome app worth 39,500 Php under the merchant name "MOBILINK DEVICES 5732* " .
Lahat ng transactions na nangyaring yan ay agarang kong itinawag sa mga Support Team ng mga app with in the same date na nangyari but still nagcase closed both transactions na hindi nila winawaive or tinanggal man lang, yang mga fraudulent transactions na itinawag ko at pilit parin pinapabayad sa akin till now and nag overdue na nga with penalty pa sa Atome Support team, I have tried and did within my best effort and provided every evidence I can provide and still your collection team still reaching us out and scaring us at the same time, Shopee app naman kitang-kita naman na merchant location is Las Pinas City ang location and ang location ko is Region 3 and I also reported and provided all evidence na hiningi niyo and also sent a picture of my face holding my driver's license twice and still wala din kayong ginawa sa fraudulent transactions na nireport ko sa support team ninyo.
Sa Head Office naman na pinag repair ,na itinanggi nila lahat ng pangyayari nung unang tawag palang and still humingi pa din sila samin ng time for investigation nung lumapit kami sa CRS ng mall, with their internal team daw magconduct daw sila ng investigation "daw" which is no assurance kung totoo ba talaga ang nasabing investigation and hearing na sinasabi nila madali lang gumawa ng statement lalo na through phone call lang, and no timeframe was given to us for the said investigation hindi namin alam kung kailan matatapos and still on going parin sila sa investigation and till now nasa possession pa rin nila ang phone ko kahit gawa na, hindi ko na din kasi kinuha dahil sa takot na baka may hacking device or kung may nakahack sa phone ko at magkaroon pa ako ng masmalalang transaction .
CRS
How many days have passed since mangyari ang incident ,lumapit na kami sa CRS ng Clark Mall 🔵 para sana mas ma iguide nila kami lalo na at kasama ko pa father ko na 69 years old para lang samahan ako sa pagaasikaso kasi hindi rin siya makatulog at mapakale sa mga nangyari , tumulong naman ang mga officers ng CRS via email ,nag email sila sa store ng ROG and sa mga staff but still we have to follow up them personally every week, till now still no resolution mag 2 months na and still on going parin ang investigation ng headoffice ng R.O.G/ GigaHertz ,
Please CRS nag promise kayo na tutulungan niyo kami and ipapaalam natin sa may ari ng company and I know it's not that easy but still CRS you gave us your word and still hoping pa rin po kami na may ginagawa pa din kayo sa case na ito since hindi na kayo sumasagot sa call ko sabi ninyo kasi tatawag or magtetext kayo pero mag 2 weeks na since sinabi niyo iyon pero wala pa kaming natanggap. Umaasa pa din po kami sa inyo at nagpapasalamat padin kami sainyo.
Sa Atome app naman po mag ingat kayong mga gumagamit kasi pag nagkaroon ng abirya yung support team wala pala silang magagawa or maitutulong sa atin and in the end sa atin padin ang blame kahit itinawag mo pa ito as fraudulent transaction instead makipag tulungan tatakutin pa tayo ng collection team nila .
Sa mga users ng atome app po beware din po dahil hindi po bank ang atome more likely lending po sila kaya mahilig sila mangharass.
same din sa Shopee app instead na iwaive niyo yung transaction since kita niyo naman na hindi talaga ako ang nagtransact and I also provided all the evidence na hiningi ng agent niyo and still pinapabayad niyo padin sakin lahat.
ATOME Ph: Why are you refusing to provide the transaction details even after PNP emailed your support team yet still NO response? Those details are essential para mas lalong tumibay yung evidence namin against the people who did this to us. PLEASE COOPERATE! Even sa system nyo you can see how faithful we are in paying our recent transactions and andami niyong hiningi na requirements pero wala kayong ginawa! Paulit-ulit kong hinihingi sa inyo yung details ng transaction pero wala kayong maibigay!