04/07/2026
Magandang buhay po! PABATID PO SA LAHAT
β’ FACE-TO-FACE CLASSES SHIFT TO MDL
β’ SUSPENSION OF ENTRY OF NON-RESIDENTS
Kaugnay ng banta ng Low Pressure Area (LPA 06d), ayon sa ulat ng DOST-PAGASA, na may mataas na posibilidad na maaaring maging bagyo na makaaapekto sa timog Katagalugan, at upang mapangalagaan ang kapakanan at ang kaligtasan ng bawat mamamayan partikular ang ating mga mag-aaral, mga g**o at lahat ng bumibisita sa ating islang bayan, ang lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Larry Alvarez ay nagbaba ng dalawang Memorandum Orders.
Alinsunodpo rito, epektibo sa Hulyo 1, 2026 hanggang sa susunod na abiso:
β’ Pansamantala pong isasailalim sa suspensyon ang lahat ng tourism-related activities sa Bayan ng Tingloy.
β’ Lahat po ng face-to-face classes sa lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan, ay pansamantalang ililipat sa distance learning modalities.
Hinihiling po natin ang pang-unawa at pakikiisa ng lahat.
Ang kapakanan ng bawat isang tahanan, pamilya at mamamayan sa ating islang bayan ang higit po nating pinapangalagaan.
Nawa po ay patuloy na mag-ingat ang lahat at magdasal sa kaligtasan ng bawat isang pamilya at tahanan sa ating islang bayan.
Maraming salamat po.
- As per Vice Mayor of Tingloy