16/08/2026
💥💥NAKU! Sumali na rin ang Italy!
Hindi na lang Amerika at Japan ang pumapalag sa China ngayon sa Indo-Pacific region. Pati ang bansang Italy mula sa Europa, kumakasa na rin at nagpapadala ng kanilang mga barkong pangdigma at aircraft carrier sa ating bahagi ng mundo.
Ayon sa Foreign Minister ng Italy, napakahalaga na raw ng seguridad sa ating rehiyon para sa buong mundo. Kaya tuluy-tuloy ang pagpapadala nila ng mga warship—tulad ng kanilang flagship aircraft carrier na ITS Cavour at ang pinakabagong multi-purpose combat ship—para bantayan ang freedom of navigation at siguraduhing walang gagamit ng dahas para baguhin ang estado sa South China Sea, Taiwan Strait, at East China Sea.
Napakalaking hakbang nito dahil sanay ang Italy na mag-patrol sa Mediterranean at Red Sea. Ang pagpunta ng kanilang militar dito sa Pasipiko ay malinaw na mensahe sa Beijing na hindi nila pwedeng angkinin na lang basta-basta ang mga pandaigdigang daanan ng barko. Tandaan natin na mahigit 40 percent ng kalakalan ng European Union ay dumadaan sa South China Sea, kaya kapag nabulabog ang ating karagatan, apektado rin pati ang presyo ng bilihin sa Europa.
Bukod sa pagpapatrulya sa dagat at pagbisita sa mga port sa Yokosuka at Maynila, pinapaiting pa ng Italy at Japan ang kanilang ugnayan sa teknolohiya, kalawakan, at militar. Katunayan, kasama ang United Kingdom, nagtutulungan sila sa pagbuo ng susunod na henerasyon ng 6th-generation stealth fighter jets sa ilalim ng Global Combat Air Programme.
Para sa atin dito sa Pilipinas, magandang balita ito dahil lumalawak ang mga bansang nagtatanggol sa UNCLOS, international law, at malayang paglalayag sa West Philippine Sea. Nagkakaroon din tayo ng mas malalim na defense cooperation sa Italy para sa ating maritime security.
Dagdag sakit ulo na naman to sa China