19/12/2025
Thank you po Gov Aurelio Oyie Matias Umali for sharing our humble Valle Vista Hills!!! Welcoming everyone sa may gusto ng tahimik at payapang campsite!!
Nakita mo na ba sa mga pelikula ang Hobbit House?
Meron niyan sa Nueva Ecija! Sa luntiang kabundukan ng Rizal matatagpuan ang Valle Vista Hills, isang tahimik na paraiso kung saan nagtatagpo ang sariwang hangin, malawak na tanawin, at payapang katahimikan.
Mula sa tuktok, masisilayan ang lawak ng kapatagan na tila ipininta ng kalikasan, lalo na sa pagsikat at paglubog ng araw na nagbibigay-buhay sa bawat sandali.
Ang Valle Vista Hills ay hindi lamang isang destinasyon. Ito ay isang karanasang nagbibigay-pahinga sa puso at isipan.
Abangan ang sunod nating ifi-feature!