31/01/2018
PROTIPS - January 31, 2018
Spend Time with Your Family
By Maloi Malibiran-Salumbides
Maraming panahon ang ginugugol natin sa biyahe, sa trabaho at maging sa social media. May panahon pa bang natitira para sa ating pamilya?
Malaking challenge iyan para sa marami. Gusto nating maglaan ng mas mahabang quality time kasama ang mga mahal natin sa buhay pero hindi natin alam
kung saan tayo kukuha ng dagdag na oras para sa kanila.
Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.
Wala pa akong narinig na habang nasa huling sandali ng buhay niya ay nagsabing, "Sana naglaan pa ako ng mas mahabang panahon sa trabaho ko." Pero marami na akong kwentong nabasa, na sa kanilang pamamaalam may panghihinayang at pagsisisi na hindi sila nakapaglaan ng sapat na oras sa kanilang pamilya. Huwag mo ng hintayin na
ikaw ay manghinayang. Mayroon kang magagawa ngayon. You can be a better manager of your time so that your most valuable relationships in life will not suffer. Ang sabi sa
Proverbs 22:6, "Train up a child in the way he should go; even when he is old he will not depart from it." Hindi natin ito magagawa kung hindi tayo maglalaan ng panahon sa ating pamilya. Spend time with your family because your personal life, whether you like it or not, affects your professional life.
Pag-usapan natin ngayon kung paano natin mababalanse ang oras sa ating trabaho at pamilya.
1) Make it a habit to have at least one meal together as a family. Kung kayo naman ay nakatira pa sa iisang bahay, ugaliin na kahit isang beses sa isang araw ay magkakasabay pa kayong kumain. Gamitin ang panahong ito para magkumustahan. Ang sabi ni Miriam Weinstein, author ng “The Surprising Power of Family Meals“, ang hapag kainan daw o dinner table ay nagbibigay ng magandang pagkakataon para matuto ang mga bata kung paano magkaroon ng meaningful conversations, good manners, magresolve ng conflict at makinig. May epekto din sa academic performance ng mga bata ang madalas na pagkain ng sama-sama ng pamilya.
2) Use social media to connect with each other. Sa halip na maging sagabal ang social media para magkalapit ang pamilya, gamitin natin ito para tayo ay konektado sa isa't-isa. Some families have created chat groups where they share concerns, greetings and updates. Malaki rin ang tulong ng technology para magka-usap ang mga may kamag-anak sa ibang bansa. Dapat lang ay disiplinado tayo sa paggamit nito dahil marami rin namang pamilya na magkakasama nga pero hindi naman nag-uusap dahil lahat ay abala sa kani-kanilang gadget. Increase family togetherness by being connected with each other.
3) Bring your family to work. Paminsan-minsan ay dalhin mo ang asawa o anak mo sa iyong trabaho para nauunawaan nila kung ano ang iyong ginagawa. Mayroong mga kumpanya ngayon na mayroong daycare para sa mga empleyado na may maliliit pang anak. This is a practical way to enhance work-life balance. Kung may pagkakataon dalhin mo ang pamilya mo sa mga company outing o activity na pwede silang isama.
By all means, grow your business and work hard to succeed in your career. Pero sa iyong pag-asenso, huwag naman sanang makaligtaan na bigyang panahon at atensyon ang ating mga pamilya. Di ba't kaya nga tayo nagtatrabaho ay para din naman sa kanila? Spend time with your family.
BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!